Pumanaw na ang isa sa mga bokalista ng sikat na bandang Aegis na si Mercy Sunot.
Si Mercy ay binawian ng buhay dahil sa sakit na breast at lung cancer.
Kahapon lamang ay nanawagan siya ng dasal sa publiko matapos itakbo sa ospital dahil nahihirapan itong huminga.
Nakilala ang sikat na biritera dahil sa mga kantang “halik”, “luha”, at “basang-basa sa ulan”. – Sa panulat ni Riz Calata