Nagpasya ang komunidad ng Aeta sa Pampanga at Zambales na bumaba sa kapatagan dahil sa takot sa lindol.
Ito’y matapos yanigin ng magnitude 6. 1 na lindol ang ilang bahagi ng Luzon nitong Lunes.
Ayon kay Juanito Dela Cruz, kapitan ng Barangay Diaz sa Porac Pampanga, maraming bahay ng mga Aeta ang nasira ng lindol.
Bukod dito, nagkaroon din umano ng malalaking bitak ang mga kalsada sa kanilang lugar.
Dahil dito, mahigit isandaang (100) pamilya ng katutubong Aeta ang lumikas pababa ng kabundukan sa takot na mas lalo pa silang mapinsala ng epekto ng nakaraang lindol.