Naisumite na ang affidavit complaint ni PNPA Cadet Fourth Class John Desiderio hinggil sa hinihinalang kaso ng hazing.
Ayon kay Lt. Col Byron Allatog, tagapagsalita ng PNPA, limang kadete ng akademya ang umano’y sangkot sa nasabing hazing incident.
Sinabi ni Allatog na binibigyan nila ng 24 oras ang mga hindi niya muna pinangalanang kadete na magpaliwanag bago maghain ng kasong administratibo laban sa mga ito.
Si Desiderio ay unang isinugod sa PNPA Dispensary noong October 29 at kalaunan ay dinala sa PNP General Hospital bago inilipat sa East Avenue Medical Center dahil sa pananakit ng tiyan na hinihinalang nakaranas ng maltreatment.