Afghanistan ang may pinakamalulusog na mamamayan sa buong mundo.
Batay ito sa bagong pag-aaral ng Clinic Compare.
Ito’y kung saan lumalabas na isa ang Afghanistan sa may pinakamababang obesity rate sa buong mundo.
Maliban dito, 83 sigarilyo lamang ang average na konsumo ng sigarilyo ng mga taga-Afghanistan kada taon habang mahina rin sa pag-inom ng alkohol ang mga ito.
Itinuturong dahilan ang batas na nagbabawal duon sa pagkakaroon o pag-inom ng alak.
Samantala, pumangalawa naman sa listahan ng may pinakamalulusog na mamamayan sa buong mundo ay ang Guinea na sinundan ng mga bansang Niger at Nepal.
Sa kabilang dako naman, tinukoy naman ang Czech Republic na may mga pinakasakiting mamamayan sa buong mundo.
Ito ay dahil sa aabot sa 13.7 litres ng alkohol ang nakokonsumo ng bawat mamamayan ng Czech Republic o katumbas ng isa at kalahating shot ng alak kada araw.
Habang pumapang-labing isa naman ang Czech Republic dahil sa paninigarilyo.
—-