Nanawagan si Afghanistan President Ashraf Ghani para sa isang seryosong pag-uusap sa pagitan ng Taliban at Afghan government.
Kasunod ito ng nakikitang magandang resulta ng negosasyon sa pagitan ng Taliban at Estados Unidos na ginanap sa Qatar.
Ayon kay US Special Envoy Zalmay Khalilad, nakabuo na sila ng isang draft framework kung saan bahagi nito ang posibleng ceasefire at pag-withdraw ng mga foreign troops.
Una nang inirereklamo ng Afghan authorities ang hindi pagkakasama sa pag-uusap ng US at Taliban.
—-