Isasailalim muna ng Department of Justice sa evaluation ang mga Afghan refugee bago payagang permanenteng manirahan sa Pilipinas.
Ginawa ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang pahayag matapos ang anunsyo ng Malakanyang na handang tumanggap ang Pilipinas ng mga refugee mula sa Afghanistan sa gitna ng kaguluhan sa kanilang bansa.
Ayon kay guevarra, kailangang pumasa ang mga Afghan refugee sa International Standards ng DOJ refugees and stateless persons unit bago payagang manatili sa Pilipinas.
Maaari rin aniyang tukuyin ng National Bureau of Investigation at National Intelligence Coordinating Agency kung banta sa seguridad ang aplikante habang ang Bureau of Immigration ang mag-i-issue ng mga dokumento.
Binigyang-diin naman ng kalihim na hanggang pagbibigay refugee status lamang ang maipagkakaloob na tulong ng bansa.—sa panulat ni Drew Nacino