Patay ang dalawang miyembro ng NPA o New People’s Army habang sugatan ang isang sundalo sa nangyaring bakbakan sa Matanao, Davao del Sur kahapon ng umaga.
Ayon kay Lt. Col. Marion Angcao, Commanding Officer ng 73rd Infantry Brigade, tumagal ng 40 minuto ang sagupaan sa Sitio Datal Pital sa Barangay Colonsabak.
Kinilala ang nasugatang sundalo na si Corporal Lovinder John Abantes na kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa Davao City.
Narekober naman sa pinangyarihan ng engkwentro ang isang M-14 rifle at M-4 bushmaster rifle.
By: Meann Tanbio