Nakatakdang kunsultahin ng Malakaniyang at AFP ang mga residente ng Marawi City kaugnay sa panukalang ilipat na lamang sa ibang lokasyon ang rehabilitasyon ng commercial district ng lungsod para mas makatipid ang gobyerno
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella kinukunsider niya ang naturang panukala kayat nais nilang makunsulta ang local officials at mga lider para makuha ang pulso ng mga ito.
Marami aniyang mga mungkahi subalit kailangang ikunsider ang kultura ng mga maranaw na nakatira sa lungsod.
Sinabi naman ni AFP Spokesman Brigadier General Restituto Padilla na marami silang natatanggap na mungkahi para sa muling pagbangon ng Marawi City at gawin itong tourist hub dahil sa potensyal nito tulad ng Geneva lalo nat nasa tabi ito ng lawa.
By: Judith Larino / Aileen Taliping
AFP at Palasyo nakatakadang makadayalogo ang mga residente ng Marawi City was last modified: July 8th, 2017 by DWIZ 882