Dapat munang magsumite ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ng assessment report hinggil sa martial law sa Mindanao bago ikunsidera ng Kongreso ang pagpapalawig dito.
Binigyang diin ito ni Congressman Teddy Baguilat matapos katigan ng Korte Suprema ang deklarasyon ng martial law sa Mindanao dahil sa pag-atake ng Maute Group sa Marawi City.
Sinabi ni Baguilat na dapat maipakita ng mga pulis at sundalo na tagumpay ang deklarasyon ng martial law para labanan ang Maute Group at maayos ang seguridad sa mga isla sa Mindanao.
Iginiit din ni Baguilat ang pangangailangang maimbestigahan ng Kongreso ang mga umano’y paglabag sa karapatang pantao dulot ng martial rule, batay na rin sa naging pahayag ng IBP-Lanao del Sur Chapter.
By Judith Estrada – Larino