Hinimok ng Malakanyang ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na gampanan ang tungkulin nito upang protektahan ang mga mining company na madalas na nabibiktima ng extortion ng New People’s Army o NPA.
Kasunod ito ng pahayag ni Mines and Geosciences Bureau director Wilfredo Moncano na hirap ang mining companies na hindi magbigay ng revolutionary tax sa NPA dahil sinusunog ng mga rebelde ang kanilang heavy equipments.
Naniniwala si Presidential Spokesman Harry Roque na kahit hindi magpalabas ng direktiba ang Pangulo sa AFP, mandato ng militar na protektahan ang mga sibilyan at panatilihin ang law and order sa bansa.
Una ng nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na kanyang ipasasara ang mga mining company sa sandaling mapatunayang nagbibigay ang mga ito ng revolutionary tax sa NPA.