Kinumpirma ng United Nations o UN na kabilang ang Armed Forces of the Philippines o AFP at Philippine National Police o PNP sa limang grupo na nasa likod ng ng kaso ng pagkamatay ng labing apat (14) na kabataan sa Pilipinas.
Batay sa report na nakalap ng Secretary General ng UN mula noong January hanggang December 2016 tungkol sa mga kabataang naiipit sa bakbakan, hindi bababa sa 11 ang kaso mula sa 38 ang itinuturong kagagawan ng AFP habang hindi naman bababa sa 2 ang dahil sa joint operation nila sa PNP.
Nakasaad din sa nasabing report na responsable ang New People’s Army o NPA sa 6 na kaso, 4 naman sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF at isa sa paramilitary group na Alamara.
Lumabas din sa report ang tungkol sa paggamit ng mga BIFF, Abu Sayyaf at Maute group ng mga bata para sa kanilang pakikipagbakbakan.
Gayunman, nabanggit din dito na nabawasan ang mga grave violations sa mga bakbakan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at mga komunistang rebelde kasunod ng peace talks ng pamahalaan at NDFP o National Democratic Front of the Philippines noong second half ng 2016.
—-