Inilunsad ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines ang adbokasiya para sa eleksyon o ang National and Local Election NLE 2022 ( Safe, Accurate, Free and Fair Elections) Kasimbayan na isinagawa sa Camp Crame sa Quezon City kaninang umaga.
Ayon kay PNP Chief General Dionardo Carlos, sinimulan nila nang maaga ang adbokasiyang ito dahil sa kagustuhan nilang magkaron ng ligtas at payapang halalan sa Mayo 9.
Kasama nila dito ang Militar at ang Philippine Coastguard na naghihintay ng kautusan mula sa Commission on Elections o COMELEC bilang kanilang deputized agency
Sinabi pa ni PNP Chief, na handa na ang kanilang deployment para sa eleksyon at kabilang sa mga idedeploy ay ang mga tauhan sa National Headquarters sa Camp Crame at Regional Headquarters.
Babawasan naman ang ang Reactionary Standby Support Force o RSSF dahil ipakakalat na ang ilan sa mga ito sampung araw bago ang eleksyon
Sa panig naman ni AFP Chief of Staff Gen. Andres Centino, sinabi niyang patunay ng pagkakaisa ang adbokasiyang ito sa pagitan ng PNP at AFP at ibang ahensya ng gobyerno para sa pagtiyak ng payapang eleksyon.
Sa katunayan tumutulong na ang AFP sa mga ikinakasang checkpoint ng PNP para matiyak na magigign payapa ang eleksyon sa Mayo at handa pa silang magdeploy nang mas maraming sundalo kung kinakailangan. —sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)