Itinaas na ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang alerto matapos ang serye ng pag-atake sa Jakarta, Indonesia.
Ayon kay PNP Spokesman Police Chief Supt. Wilben Mayor, naka-full alert ngayon ang Kapulisan alinsunod sa inilabas na memorandum ng PNP Directorate for Operations.
Sa panig naman ng AFP, sinabi ng tagapagsalita nito na si Brig. Gen. Restituto Padilla na naka-heightened alert ngayon ang tropa ng mga sundalo sa iba’t ibang bahagi ng bansa bilang paghahanda sakaling magkaroon ng hindi magandang sitwasyon.
Pero, paglilinaw ng dalawang opisyal, sa ngayon ay wala silang namo-monitor na anumang banta ng terorismo dito sa Pilipinas.
By Meann Tanbio | Jonathan Andal