Inihayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na nakahanda ang kanilang mga tauhan sa anumang pag-atake o posibleng gawin ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa bansa sa mga susunod na araw.
Kasunod ito ng ika-54 Anibersaryo ng pagkakatatag ng kanilang grupo at pagpanaw ng founding member na si Jose Maria “Joma” Sison nito lamang Biyernes kung saan, may ilang mga kumaklalat na balita na posibleng magkaroon ng opensiba laban sa gobyerno.
Una nang inihayag ng AFP at PNP na wala pang natatanggap ang kanilang ahensya na seryosong banta laban sa pamahalaan.
Sa ngayon, nag-deploy na ng kani-kanilang mga tauhan ang dalawang nabanggit na ahensya, para bantayan ang mga lugar na madalas na inaatake ng grupo ng mga rebelde.