Nakahanda ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) maging ng Philippine National Police o PNP sakaling ipag- utos ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na magpatupad muli ng hard lockdown sa Metro Manila at iba pang sakop nito bunsod ng peligrong pagpasok at pagkalat ng Omicron variant sa bansa.
Ayon PNP Chief General Dionardo Carlos, mas lalong dumami ang bilang ng mga tao sa labas matapos ipatupad ang Alert Level 2 sa bansa.
Sinabi din ni Carlos na nakahanda na ang pinaka istriktong quarantine measures na ilalatag sa iba’t ibang panig ng bansa para sa nalalapit na kapaskuhan at campaign period ng mga kandidato para 2022 national and local election.
Sa ngayon, nakikipag-coordinate na rin ang PNP at AFP sa iba’t ibang mga ahensiya na nagbabantay sa entry points ng bansa. —sa panulat ni Angelica Doctolero