Pinapurihan ng Philippine National Police o PNP at Armed Forces of the Philippines o AFP ang kabayanihan ng mga sundalong nagbuwis ng buhay para sa bansa ngayong Araw ng Kagitingan.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Lt. Col Emmanuel Garcia, saludo sila sa mga sundalong dumipensa sa bansa noong World War II.
Ito aniya ang nagsisilbing inspirasyon ngayon ng mga sundalo ng bagong henerasyon.
Saludo rin aniya ang militar sa mga kasalukuyang sundalo na lumaban sa mga terorista.
Sa panig naman ng PNP sinabi ni Chief Superintendent John Bulalacao na nakikiisa sila sa pagbibigay-pugay sa mga sundalong nagpakita ng tunay na kabayanihan sa panahon ng giyera.
—-