Pinapurihan ni Tourism Secretary Wanda Tulfo-Teo ang AFP at PNP sa ipinatutupad na seguridad sa Palawan.
Ito’y kasunod ng travel advisory warning hinggil sa diumano’y planong pagdukot ng mga teroristang grupo sa Palawan.
Ayon kay teo, maituturing pa rin ang Palawan bilang “Safe Tourist Destination”.
Kasabay nito, nanawagan ang kalihim sa iba pang bansa na maging patas at responsable sa pagpapalabas ng travel warnings.
By: Meann Tanbio