Tinapos na ng Armed Forces of the Philippines at Royal Australian Regiment ang taunang kasangga exercise.
Umabot sa 200 sundalo mula sa dalawang bansa ang lumahok sa isang linggong pinagsamang pagsasanay sa militar na ginanap sa Tanay, Rizal.
Kabilang sa pagsasanay ang mga aralin sa close-quarter battle, urban warfare, sniper training, at combat medicine.
Ayon kay Philippine Army Commanding General Lieutenant General Romeo Brawner, na kulang pa ang Pilipinas sa pagdating sa teknolohiya para sa digmaan.
Dagdag pa ng general, na layunin nitong palakasin ang interoperability ng Pilipinas at Australia laban sa mga kalamidad at iba pang sakuna.
Sinabi naman ni Australian Assistant Defense Attache Lieutenant Colonel Tim Lopsik, na ang mga sundalo ay may pagkakataong matuto ng malaking halaga tungkol sa pagsasagawa ng jungle warfighting.
Nabatid na ang Australia ay isa sa mga bansang tumulong sa paglaya ng Pilipinas mula sa pananakop ng mga hapones, noong World War 2. – sa panunulat ni Jenn Patrolla