Nagbukas ang Armed Forces of the Philippines o AFP ng bagong bank account kung saan maaaring magbigay ng donasyon ang publiko para sa mga sundalong nasawi at nasugatan sa iba’t ibang operasyon sa buong bansa.
Ayon kay AFP Spokesman Col. Edgard Arevalo, ginawa nila ito kasunod ng tagumpay ng unang bank account na kanilang binuksan para sa mga nasawi at nasugatang sundalo sa giyera sa Marawi.
Umabot kasi aniya ng 137 million pesos ang nalikom na donasyon para sa tropa sa Marawi na pinaghati-hatian ng mga pamilya ng 168 namatay na sundalo at higit 1,500 sugatang sundalo sa giyera.
Ang nasabing Land Bank account ay may account name na “AFP Battle Casualty” at may account number na 00000-552-107-179.
—-