Mahigpit na binilinan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang mga tauhan sa Mindanao na kumalma at huwag nang gumawa ng paghihiganti laban sa mga pulis.
Ito’y kasunod ng nangyaring pagpatay ng mga tauhan ng Jolo Municipal Police Station sa apat na miyembro ng Intellegence Unit ng Philippine Army sa Jolo, Sulu nuong Lunes.
Ayon kay AFP spokesman M/Gen. Edgard Arevalo, batid naman nilang tao rin ang mga sundalo na nasasaktan din subalit kinakailangan pa rin nilang itaguyod ang propesyunalismo sa hanay ng mga sundalo.
Kasunod nito, inulit lang ni Arevalo ang naunang apila ni AFP chief of staff Gen. Filemon Santos Jr. sa kaniyang mga tauhan na isipin ang kapakanan ng nakararami at hayaang gumulong na lang ang imbestigasyon.