Kasalukuyan pang bineberipika ng Armed Forces of the Philippines o AFP kung Abu Sayyaf ba ang dumukot sa 4 na Malaysian nationals sa Sabah.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Western Mindanao Command Spokesman Major Filemon Tan Jr. na patuloy ang pakikipag-ugnayan nila sa kanilang Malaysian counterpart hinggil sa insidente.
Idinagdag pa ni Tan na pinagting na rin nila ang kanilang intelligence operations hangga’t wala pang nagki-claim kung sino ang dumukot sa 4 na Malaysian.
“Ito pong nangyaring kidnapping ay within the waters of Malaysia po nangyari, so sa Semporna po ito nangyari, ang claim po nila ay Abu Sayyaf ang kumidnap, pero sa ngayon ay wala pang caller o nagke-claim na sila po ang responsable sa pangyayari, wala naman po tayong nalalaman kung sino po ang salarin.” Pahayag ni Tan.
10 Indonesians
Nagpapatuloy ang military operations ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para iligtas ang 10 Indonesians na bihag ngayon ng Abu Sayyaf.
Ipinabatid ito sa DWIZ ni Major Filemon Tan Jr., tagapagsalita ng Western Mindanao Command.
Una nang nagpahayag ng kahandaan ang Indonesian Military Force na tumulong sa AFP para i-rescue ang mga nasabing Indonesian crewmen.
Ayon kay Tan, hindi naman sa tumatanggi ang gobyerno ng Pilipinas sa naturang alok dahil kinakailangan aniya na naaayon ito sa batas.
“They’re offering their shelf but of course bilang sa Pilipinas nangyari yan, yan po ay hindi po naaayon sa ating batas without a treaty, hindi po ito basta-basta na puwede nilang gawin at puwede nating paunlakan na wala pong pahintulot sa ating gobyerno, hindi naman po tayo tumatanggi sa pagtulong pero dapat napapailalim po sa batas.” Pahayag ni Tan.
By Meann Tanbio | Ratsada Balita