Duda ang militar sa kontrol ng matataas na opisyal ng CPP-NPA-NDF sa kanilang mga tauhan sa kanayunan.
Ayon kay Brig. General Restituto Padilla, Spokesman ng AFP, posibleng maraming miyembro ng CPP-NPA-NDF ang hindi na sumusunod sa mga matataas nilang opisyal kayat patuloy ang kanilang opensiba sa kabila ng peace talks sa kanilang hanay.
“Nanunog na naman sila ng truck ng Dole diyan sa may Bukidnon, ang panununog ng mga kagamitan na ginagamit ng agricultural companies diyan pati na ang panununog ng construction equipment ay maliwanag na senyales na lumalabag sila sa mga nagsusulong ng kaginhawaan ng mga kababayan natin , marami po ang nagtatrabaho sa mga kumpanyang ito.” Ani Padilla
Naniniwala si Padilla na mas matatamo ang kapayapaan sa hanay ng NPA kung direkta sa kanilang grupo ang pakikipag-usap.
“Merong mga feelers na nakuha na ang ating ibang local government na nagsasabi na itong mga ibang grupo na ito sa kanayunan ay nagnanais na magkaroon ng tigil putukan na magbibigay daan sa isang local peace talks, tingnan natin ito, mas maaaring maging responsive ito sa pangangailangan ng mga nandiyan sa lugar at magbigay daan sa pangmatagalang kapayapaan, localized nga lang.” Pahayag ni Padilla
By Len Aguirre | Ratsada Balita (Interview)
*Photo: CPP website