Bukas ang AFP o Armed Forces of the Philippines na muling magpatupad ng humanitarian pause o tigil opensa laban sa Maute Group sa Marawi City.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Edgard Arevalo, hindi kinakailangang maghintay ng mga espesyal na okasyon para muling ipatupad ang humanitarian pause.
Aniya, nakahanda silang muling isagawa ito lalo na’t nakasalalay ang buhay ng mga sibilyang naiipit sa bakbakan sa loob ng lungsod.
Pagtitiyak ni Arevalo, sakaling muling ipatupad ang humanitarian pause ay kanilang sisiguraduhing hindi ito masasamantala ng Maute Group.
Kasunod nito, umaasa si Arevalo na makapag-iisip na ang teroristang grupo kung tama pa ba ang kanilang ipinaglalaban.
By Krista De Dios | With Report from Jonathan Andal