Bukas ang AFP o Armed Forces of the Philippines sa panukala ni dating senador at ngayon ay Foreign Affairs Secretary Allan Peter Cayetano na itaas sa edad na animnapu (60) ang retirement age ng mga sundalo.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Edgard Arevalo, makakatulong ang nasabing panukala para mapakinabangan pa ng mas mahabang panahon ang mga tulong, kakayahan at abilidad ng mga sundalo.
Gayunman, sinabi ni Arevalo na ang nakikita anilang problema ay ang posibleng pagbagal sa promosyon ng mga sundalo.
Aniya, kailangan pang pag-aralang mabuti at timbangin ang nasabing panukala para makita ang mga positibo at negatibong epekto nito
Sa kasalukuyan ay edad limamput anim (56) ang mandatory retirement age ng mga sundalo.
By Krista De Dios | With Report from Aileen Taliping / Jonathan Andal
AFP bukas sa panukalang itaas sa edad 60 ang retirement age ng mga sundalo was last modified: June 28th, 2017 by DWIZ 882