Welcome sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang plano ng China at ASEAN na bumuo ng hotline sakaling magkaroon ng emergency kaugnay sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
Ayon kay AFP Spokesman Col. Restituto Padilla, pabor sila sa naturang plano lalo na kung makatutulong ito para maibsan ang tensyon sa naturang usapin.
Nauna nang inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na kinukunsidera ng China at ASEAN ang pagtatag ng emergency hotline kasabay ng pagpupulong ng senior diplomats sa Tianjin.
By Meann Tanbio