Bumuwelta ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa sa akusasyong harassment ng mga militanteng grupo.
Ito’y may kaugnayan sa sunud-sunod na pag-aresto ng mga puwersa ng militar at pulisya sa mga lider ng progresibong grupo dahil sa pag-iingat umano ng armas.
Ayon kay AFP spokesman, Marine BGen. Edgard Arevalo, paano aniyang harassment ang nangyaring pag-aresto sa mga lider militante gayung lehitimo ang operasyon salig sa hawak nilang search warrant.
Sa alegasyong planted o itinanim lamang umano ang mga ebidensyang armas na nakuha sa kanila, sagot ni Arevalo sa mga militante ay sa korte na lang nila ito sagutin.
Giit pa ng opisyal, walang naka-aangat sa batas kahit pa sila’y mga lehitimong organisasyon kaya’t kakastiguhin sila kung mapatunayang nagkasala ang mga ito sa batas.—ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9).