Buo ang suporta ng sandatahang lakas sa pagbawi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa unilateral ceasefire sa kilusang komunista.
Sa programang “Todo Nationwide Talakayan” ng DWIZ, sinabi ni Armed Forces of the Philippines o AFP Public Affairs Office Chief Colonel Edgard Arevalo, otomatikong binawi na rin ni AFP Chief General Eduardo Año ang pagsuspindi sa mga military operation kaya muli na aniyang magsasagawa ang mga sundalo ng combat operations laban sa CPP-NPA o Communist Party of the Philippines – New People’s Army.
Pakinggan: Bahagi ng pahayag ni AFP Public Affairs Office Chief Colonel Edgard Arevalo
Ayon pa kay Arevalo, huhuliin ang mga pinakawalang pinuno ng New People’s Army dahil kailangan nilang muling sumailalim sa batas.
Kung may prison terms na kailangang kumpletuhin ang mga nagpyansang NPA leaders, dahil, aniya iyon sa naturang kondisyon sa kanilang paglaya.
Pakinggan: Bahagi ng pahayag ni AFP Public Affairs Office Chief Colonel Edgard Arevalo
Arevalo ibinunyag na may komunista nang lumabag sa unilateral ceasefire bago pa ito bawiin
Ibinunyag ni AFP Public Affairs Office Chief Colonel Edgard Arevalo na Nobyembre pa lamang nang may mamonitor na silang mga tila paglabag ng kilusang komunista sa ceasefire agreement.
Ngunit hindi, aniya, nila tahasang matawag na paglabag ang mga ito dahil walang joint ceasefire declaration kung saan nakatala kung ano ang maituturing na mga paglabag.
Pakinggan: Pahayag ni AFP Public Affairs Office Chief Colonel Edgard Arevalo
Gayunpaman, natural aniyang hulihin ng mga pulis ang sinumang lumalabag sa revised penal code nang dahil sa mga krimen tulad ng kidnapping, arson, at extortion.
Sinabi ni Arevalo na kung hihingan ng tulong ang mga sundalo sa paghuli, maituturing na lehitimong pagsuporta ito sa pagpapatupad ng batas at exempted sa suspension of military operations.
Pakinggan: Pahayag ni AFP Public Affairs Office Chief Colonel Edgard Arevalo
Arevalo dismayado sa walang kontrol ng CPP-NPA sa mga miyembro
Dismayado si AFP Public Affairs Office Chief Colonel Edgard Arevalo dahil lumalabas na walang kontrol ang liderato ng CPP-NPA sa mga miyembro nito sa baba.
Pakinggan: Pahayag ni AFP Public Affairs Office Chief Colonel Edgard Arevalo
Nagsumikap naman kasi, aniya, ang pamahalaan na makamtan ang kapayaapaan sa pagitan nito at ng kilusang komunista.
Sa katunayan, sinabi ni Arevalo na sinuportahan ng militar ang utos noon ng Pangulo na palayain at pasalihin sa negotiationg panel ng usapang pangkapayaan ang mga lider ng NPA na pinaghirapang dakpin ng mga sundalo at pinagbuwisan pa ng buhay ng ilan.
Sa kabila ng mga balakid, sinabi ni Arevalo na taus-pusong susugal ang mga sundalo upang bigyang-daan ang kapayapaan.
Pakinggan: Pahayag ni AFP Public Affairs Office Chief Colonel Edgard Arevalo
By Avee Devierte
Credits to Todo Nationwide Talakayan program ng DWIZ mapapakinggan tuwing Sabado, 7:00 AM to 9:00 AM kasama si Rolly “Lakay” Gonzalo at Aileen Taliping