Ganap nang 4-Star General si AFP Chief of Staff Eduardo Año.
Sa isang simpleng seremonya na ginanap sa Department of National Defense Building Hall of Flags sa Camp Aguinaldo, pinangunahan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang tinatawag na Donning Of Ranks kung saan ikinabit sa balikat ni Año ang kanyang ika-4 na estrelya.
Dumalo sa nasabing seremonya ang misis ng Afp Chief na si Jean Joselun Maria Año.
Si Año ay miyembro ng Matikas Class of 1983 ng PMA o Philippine Military Academy.
Pinalitan nito ang kanyang mistah na si General RICARDO VISAYA na nagretiro noong Disyembre 7, 2016.
By: Meann Tanbio