Interesado si Armed Forces Chief of Staff Gen. Eduardo Año na matukoy kung sino ang umanoy heneral na sangkot sa Parojinog drug ring.
Sinabi ng AFP Chief na iuutos nito ang imbestigasyon sa tulong ng Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency para matukoy kung ang heneral ay aktibo pa ba sa serbisyo o nakapagretiro na.
Sinabi ni Año na hindi nila papayagan ang mga “men in uniform” na maging coddler o protector ng drug syndicate dahil mortal sin ito sa hukbong sandatahan.
Aalamin ng AFP Chief kung ano ang hawak na impormasyon ng PNP at PDEA para makapagsimula sila ng sariling imbestigasyon.
Nauna rito napaulat na kaya hindi umano magalaw-glaw ang pamilya Parojinog dahil sa proteksiyon ng heneral at diumano’y naging malapit din sa nakakulong na si Vice-Mayor Nova Princess Parojinog.