Pormal nang nanumpa si Lieutenant General Ricardo Visaya bilang ika-48 pinuno ng Sandatahang Hukbo ng Pilipinas.
Pamumunuan ni Visaya ang may 125,000 libong kawal ng Militar.
Kasapi si visaya sa Philippine Military Academy Matikas Class of 1983.
Si Visaya ang kumander ng Southern Luzon Command bago siya itinalaga ni dating Pangulong Noynoy Aquino bilang temporary Chief Of Staff nang magretiro si General Hernando Iriberri noong Abril.
Samantala, ginanap ang Change of Command Ceremony sa Camp Aguinaldo kung saan nagtagpo sa unang pagkakataon bilang dalawang pinakamataas na pinuno ng bansa sina Presidente Rody Duterte at Bise Presidente Leni Robredo.
By: Avee Devierte