Nagpositibo sa COVID-19 si Armed Forces of the Philippines o AFP Chief, Lt. Gen. Jose Faustino Jr.
Sa isang pulong balitaan, sinabi ni AFP Spokesperson Col. Ramon Zagala na ito ang lumabas sa isinagawang antigen-test sa opisyal.
Bilang pag-iingat, agad na sumailalim sa isolation si Faustino.
Sa ngayon, ani Zagala ay hinihintay pa nila ang resulta ng RT-PCR test ni Faustino na inaasahang lalabas din ngayong araw para matiyak ang kalagayan ng opisyal.