Binalaan ng bagong AFP Chief of Staff na si Leutenant General Carlito Galvez Jr ang mga opisyal ng AFP na masasangkot sa anumang uri ng katiwalian.
Sa kaniyang kauna-unahang flag raising ceremony sa Kampo Aguinaldo, sinabi nitong lilinisin niya ang hanay ng sandatahang lakas mula mga tiwaling opisyal.
Katunayan aniya, pinaiimbestigahan na niya sa inspector general ang mga napaulat na anomalya sa hindi tamang paggamit ng pondo at kagamitan ng AFP.
Dagdag pa ni Galvez, magpapatupad din siya ng reward system para sa mga tauhan at opisyal ng AFP na nagpakita ng kahusayan sa kanilang trabaho.