Pinangunahan ni Pangulong Benigno Aquino III ang retirement ceremony para kay outgoing Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Hernando Iriberri sa Camp Aguinaldo sa Quezon City.
Ngayong araw ang mandatory retirement ni Iriberri.
Siya ang ikalawang AFP Chief of Staff na mula sa Mindanao dahil siya ay tubong Surigao del Sur.
Si Iriberri na miyembro ng Philippine Military Academy Class of 1983 ay nanilbihan bilang AFP Chief mula July 10, 2015 hanggang April 22, 2016.
Sa kanyang talumpati, pinasalamatan ni Iriberri si Pangulong Benigno Aquino III dahil natamo aniya sa liderato nito ang modernisasyon ng Sandatahang Lakas.
Maging si Defense Secretary Voltaire Gazmin ay pinasalamatan ng Heneral.
Acting AFP Chief
Pormal nang umupo si AFP Vice Chief of Staff Lt. Gen. Glorioso Miranda bilang acting AFP Chief of Staff.
Pinalitan nito si Gen. Hernando Iriberri na nagretiro ngayong araw na ito.
Si Miranda ay miyembro ng PMA “Matikas” Class of 1983 na nagsilbi rin bilang commanding general ng Northern Luzon Command o NOLCOM.
Bago pa man siya nagong NOLCOM Chief, tumayo rin si Miranda bilang commanding general ng 7th Infantry Division ng Philippine Army sa Nueva Ecija.
By Meann Tanbio | Jonathan Andal (Patrol 31)