Kinumpirma na ng makapangyarihang Commision on Appointments o CA ang pagkakatalaga kay Armed Forces of the Philippines o AFP Chief of Staff General Rey Leonardo Guerrero.
Sumalang sa confirmation si Guerrero kaninang umaga sa Senado.
Matatandaang Oktubre 26 nang pomal na i-take over ni Guerrero ang AFP isang araw matapos na pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang appointment.
Pinalitan ni Guerrero si dating AFP Chief Eduardo Año na nagretiro ngayong taon sa edad na 56.
Samantala, nakatakda ring mag-retiro si Guerrero ngayong Disyembre 17 ngunit sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na kanyang irerekomenda sa Pangulo ang extension ng serbisyo ni Guerrero.
Si Guerrero ay miyembro ng Philippine Military Academy o PMA “Maharlika” Class of 1984 at pinamunuan ang Eastern Mindanao Command sa Davao bago naupong AFP Chief.
—-