Mananatiling in command si AFP Chief of Staff Lt/Gen. Jose Faustino kahit pa nagpositibo siya sa COVID 19 sa kabila ng pagiging bakunado laban sa virus.
Ito ang inihayag mismo ni Faustino matapos na lumabas ang resulta ng kaniyang RT-PCR o SWAB test ngayong hapon.
Kaninang umaga, nagpositibo rin sa Antigen test ang AFP Chief na bahagi naman ng routine protocols ng AFP kaya’t kinailangan niyang sumailalim sa RT-PCR test.
Gayunman, sinabi ni Faustino na siya’y nananatiling asymptomatic at kasalukuyang naka isolate upang mapag ingat na rin ang kaniyang pamilya gayundin ang mga malalapit sa kaniya.
Pero sinabi nito na magpapatuloy ang pagganap niya sa tungkulin at sa katunayan ay dadalo pa rin siya virtualy sa Change of Command ceremony ng Western Mindanao Command, bukas.
Una nang sinabi ni AFP Spokesman Col. Ramon Zagala na naka isolate na rin ang lahat ng mga nagkaroon ng closed contacts sa AFP Chief at nakapag swab test na rin.
Sa huli, umapela si Faustino sa publiko na ituloy ang pagsuporta sa vaccination program kontra COVID 19 ng Pamahalaan at magpabakuna na kung may suplay at panahon. — ulat mula kay Jaymark Dagala.