Pinaalalahanan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Lt. General Bartolome Bacarro ang Philippine Navy na puspusang ipagtanggol ang karagatan at himpapawid ng bansa sa lahat ng dayuhang ‘intruders’.
Ang pahayag ay ginawa ng AFP Chief sa kanyang pagbisita sa Navy Headquarters sa Roxas Boulevard sa Maynila.
Si Bacarro ay malugod na tinanggap ni Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Adeluis Bordado.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Bacarro na mahalaga ang walang-humpay na naval at maritime patrols ng sa misyon ng AFP na protektahan ang mga mamamayan at ang estado.
Magugunita na ang unang bilin ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Sandatahang Lakas ay siguraduhing walang maisusuko na kahit ‘one square inch’ na teritoryo ng bansa sa mga dayuhang mananakop.