Tinututukan ni Armed Forces of the Philippines o AFP Chief of Staff, Gen. Cirilito Sobejana ang mga development sa malagim na pagbagsak ng kanilang Air Force C130 plane sa Patikul, Sulu.
Ito ang tiniyak ng AFP makaraang tapusin na nila ang search and retrival operations kung saan, 50 mga Sundalo at Sibilyan ang nasawi habang nasa halos 60 ang sugatan.
Ayon kay AFP Spokesman, Marine M/Gen. Edgard Arevalo, kasalukuyang nasa crash site ang AFP Chief sa Sulu para mag inspeksyon at alamin kung ano ang tunay na pangyayari sa likod ng insidente.
Personal ding nakiramay si Sobejana sa pamilya ng mga nasawing Sibilyan na nadamay sa malagim na trahedya gayundin ang pag aabot ng tulong sa mga sugatan .
Sinabi pa ni Arevalo, gumugulong na rin aniya ang malalimang imbestigasyon sa insidente kaya’t puspusan na nilang hinahanap ang block box upang malinawan sa pangyayari.
Bagama’t laging nasa maayos at nasa magandang kundisyon ang mga air asset ng Militar, aminado si Arevalo na may kalumaan na rin ang bumagsak na eroplano.
Tiniyak ni AFP Spokesperson MGen. Edgard Arevalo “On top of the situation” si AFP Chief of Staff Gen. Cirilito Sobejana kaugnay ng pagbagsak ng C-130 ng Airforce sa Patikul, Sulu kahapon.
Katunayan aniya ay nagtungo ngayong araw si Gen. Sobejana sa Sulu kasunod ng trahedya na ikinasawi ng 47 sundalo at 3 sibilyan.
Tiniyak naman ni Arevalo na ibibigay ng AFP ang lahat ng benepisyo para sa mga pamilya ng nasawi at tulong para sa mga survivors.
Sa ngayon aniya ay aalamin pa ng mga imbestigador kung bakit lumagoas sa runway ang naturang eroplano na naging sanhi ng pag-crash nito.
Hindi naman aniya brand new ang eroplano pero ito ay nasa magandang kondisyon.
Hinahanap pa aniya ang black box o flight data recorder ba makakatulong sa imbestigasyon.
Tiniyak pa ni Arevalo na magiging transparent ang AFP sa isasagawang imbestigasyon sa insidente.— ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)