Maging mapagmatyag!
Ito ang panawagan ni Armed Forces of the Philippines chief-of-staff Gen. Cirilito Sobejana sa mga lokal na opisyal at mamamayan kasunod ng pag-atake ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa bayan ng Datu Paglas sa Maguindanao.
Sinabi ni Sobejana na bagama’t maayos na ang sitwasyon ay hindi pa rin nawawala ang banta sa seguridad dahil hindi pa naman tuluyang nadudurog ang mga terorista.
Matatandaang nakasagupa ng mga sundalo ang isang pangkat ng BIFF sa pangunguna ng isang Mohiden Animbang hanggang sa umatras ang mga ito.
Ayon kay Joint Task Force Central spokesperson Lt. Col. John Baldomar, matagumpay ding na-deactivate ng kanilang puwersa ang apat na pampasabog na itinanim ng mga terorista malapit sa palengke at sa gilid ng national highway.
Wala namang naitalang nasaktan o nasawi sa naturang insidente.