Aminado ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi maiiwasan ang collateral damage sa operasyon nila para pulbusin ang Abu Sayyaf.
Pahayag ito ni AFP Spokesman, Brig. General Restituto Padilla makaraang ipag-utos ng Pangulong Benigno Aquino III na gamitin ang buong puwersa ng batas para masugpo ang Abu Sayyaf.
Ayon kay Padilla, laging prayoridad ng awtoridad ang kaligtasan ng mga bihag ng mga bandido sa kanilang mga operasyon subalit may mga pagkakataon na hindi maiiwasan ang collateral damage.
Una nang pinugutan ng Abu Sayyaf ang Canadian national na isa sa 4 kataong dinukot nila sa Samal Island noon pang nakaraang taon.
Bahagi ng pahayag ni AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla
Kasabay nito ay inamin rin ni Padilla na nahihirapan silang masugpo ang Abu Sayyaf dahil suportado sila ng ilang komunidad.
Bahagi ng pahayag ni AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla
P20-M ransom
Blangko ang militar sa balita na mayroong nakahandang dalawampung milyong pisong ransom sana para sa mga bihag ng abu sayyaf.
Kumbinsido si brig general restituto padilla, spokesman ng armed forces of the philippines o afp na bahagi lamang ito ng pagpapakalat ng maling impormasyon.
Una rito, napaulat na tinanggihan ng abu sayyaf ang dalawampung milyong pisong ransom dahil malayo ito sa tatlong daang milyong pisong ransom na hinihingi nila para sa bawat isa sa apat nilang bihag at naging dahilan para pugutan nila ang canadian national na si john ridsdel.
Bahagi ng pahayag ni AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla
By Len Aguirre | Ratsada Balita