Tiwala ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na maipapasa na sa susunod na administrasyon ang panukalang BBL o Bangsamoro Basic Law.
Sinabi sa DWIZ ni AFP Spokesman Lt. Col. Restituto Padilla na dapat maipasa ang panukala na aniya’y naging daan sa commitment para sa kaunlaran at katahimikan ng Mindanao.
“Nagkaroon po ng mga commitment na kung saka-sakaling maipasa itong batas na ito, ang commitment po for investment sa economic at agricultural side ng lugar ay dumami, ito pong mga prospective for growth, ito pong prognosis ng positive development ay nagdulot po ng malaking reinforcement sa paniniwalang ang katahimikan ang isa sa pinakamainam na option para sa lugar na yan, kaya sa pananatili po ng mga mekanismong ito patuloy po ang pag-uusap natin sa kabilang panig.” Pahayag ni Padilla.
By Judith Larino | Karambola