Tinawanan lang ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang panibagong pahayag ng Communist Party of the Philippines (CPP).
Ito’y makaraang atasan ng CPP ang New People’s Army (NPA) na paigtingin pa ang kanilang opensiba laban sa mga tropa ng pamahalaan.
Ayon kay AFP Spokesman Marine Maj/Gen. Edgard Arevalo, muli na namang nananaginip ng gising ang komunistang grupo.
Nakapagtataka aniyang nakukuha pang magbitaw ng ganitong banta ang mga lider komunista sa kabila ng marami na sa kanila ang kumalas at nagbalik loob na sa pamahalaan bitbit ang kanilang mga armas.
Kasunod nito, nangako si Arevalo na hindi bibiguin ng AFP ang sambayanang Pilipino sa giyera kontra NPA upang ganap nang makamit ng bansa ang hinahangad na kapayapaan.