Hindi pa naaaresto ang founder ng Moro National Liberation Front o MNLF na si Nur Misuari.
Ito ang ginawang paglilinaw ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Joint Task Force Sulu Commander General Alan Arrojado matapos lumabas ang ulat na naisilbi na ang warrant of arrest laban kay Misuari kaugnay ng kasong rebelyon nang magsilbi itong utak sa naganap na Zamboanga siege.
Ayon kay Arrojado, wala silang natatanggap na anumang balita hinggil sa sinasabing pagkakadakip kay Misuari.
Sakali mang mangyari ito, ang mga pulis na aniya ang may hurisdiksyon sa pagsisilbi ng arrest warrant at wala na sa militar.
Kasabay nito, tiniyak ng opisyal na tutulong ang militar kapag humingi ng ayuda ang PNP para sa pagsisilbi ng warrant of arrest sa nasabing MNLF leader.
By Meann Tanbio