Nanindigan ang Armed Forces of the Philippines o AFP sa pagpapairal ng no ransom policy sa mga hawak na bihag ng Abu Sayyaf.
Inihayag ito ng AFP kasunod ng ginawang pagpugot ng mga bandido sa Canadian national na si Robert Hall.
Sa panayam ng DWIZ kay Western Mindanao Command Spokesman Maj. Filemon Tan, hindi sila titigil hangga’t hindi ganap na napapalaya ang dalawa pang bihag nito na isang Norwegian national at isang Pilipina.
Bahagi ng pahayag ni WESMINCOM Spokesman Major Filemon Tan
By Jaymark Dagala | Ratsada Balita