Dumipensa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagtanggi nilang kumpirmahin kung sa Canadian national na si Robert Hall ang natagpuang ulo malapit sa Jolo Cathedral.
Ayon kay Major Filemon Tan, Spokesman ng Western Mindanao Command, kung ikukumpara nila sa hawak nilang file photos ang natagpuang ulo, malaki ang posibilidad na ito si Robert Hall.
Gayunman, mayroon anyang proseso na dapat sundin sa mga ganitong sitwasyon tulad ng forensic investigation na isinasagawa ng PNP-SOCO kaya naman agad nila itong ibiniyahe na sa Metro Manila.
Sinabi ni Tan na inaantabayanan nila ang pahayag ng Abu Sayyaf na ilalabas nila ang katawan ni Hall sa Lunes.
Bahagi ng pahayag ni WESMINCOM Spokesman Major Filemon Tan
Other hostages
Samantala, malaki pa rin ang pag-asa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na maililigtas nila ang iba pang bihag na hawak ng Abu Sayyaf.
Sinabi ito ni Major Felimon Tan, Spokesman ng WESMINCON o Western Mindanao Command sa kabila ng pagpugot ng Abu Sayyaf sa 2 bihag nilang Canadian national.
Ayon kay Tan, hindi tumitigil ang kanilang operasyon sa Abu Sayyaf subalit ginagawa anya nila ito nang maingat upang hindi madamay ang mga bihag at hindi rin naman mapahamak ang kanilang mga sundalo.
Kinumpirma ni Tan na sa ngayon ay may 6 pang hawak na bihag ang Abu Sayyaf.
Bahagi ng pahayag ni WESMINCOM Spokesman Major Filemon Tan
By Len Aguirre | Ratsada Balita