Dumistansya ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pag-endorso ng CPP NPA NDF kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa 2016 Presidential elections.
Sinabi ni AFP Spokesman Col. Restituto Padilla na hindi nakikialam at nanghihimasok ang militar sa pulitika.
Subalit binigyang diin ni Padilla na subok na rin naman si Duterte sa paggampan ng tungkulin at ilang beses na ring tumulong ang alkalde sa gobyerno sa mga negosasyon para sa paglaya ng mga bihag ng NPA.
Ayon pa kay Padilla, welcome rin naman sa kanila kung ang pag-endorso ng grupo ni CPP Founder Jose Maria Sison ay makakatulong para mapag-isa ni Duterte ang mga Pilipino at matutupad na ang kapayapaang hinahangad gayundin ay matuldukan ang problema ng insurgency sa maraming bahagi ng bansa.
By Judith Larino