Dumistansya ang Armed Forces of the Philippines o AFP sa naging pahayag ng Malacañang na may namumuong sabwatan sa pagitan ng CPP-NPA at religious groups para pabagsakin ang administrasyon.
Matatandaang sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na may ilang taga-simbahan ang nakikipag-alyansa sa mga rebelde para patalsikin sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.
Aminado si AFP Spokesman Col. Edgard Arevalo na wala silang kongkretong batayan para patunayan ang pahayag ni Roque kaya’t makabubuting ang kalihim na lang ang tanungin hinggil dito.
Gayunman, tiniyak ni Arevalo na hindi magtatagumpay at hindi nila hahayaang magtagumpay ang anumang balak na ito ng mga tutol sa administrasyon.
—-