Nakatakdang magtayo ng election monitoring center ang AFP sa Camp Aguinaldo para tumanggap ng real time reports kaugnay sa May 9 elections.
Ang nasabing monitoring center ay pangangasiwaan ng AFP at PNP contingents sa ilalim ng supervision ng COMELEC.
Ipinabatid ni AFP PIO Chief Col. Noel Detoyato na 24 oras ang operasyon ng monitoring center na konektado sa mga unified commands at maging sa police units sa buong bansa.
Local absentee voting
Samantala, sinimulan na kaninang ala-8:00 ng umaga ang absentee voting para sa mga sundalo.
Ngayong araw na ito itinakda ang absentee voting para sa mga sundalo sa grandstand ng Camp Aguinaldo.
Inaasahang libu-libong sundalo ang boboto ngayong araw na ito.
By Judith Larino | Jonathan Andal (Patrol 31)