Makikipagsabayan na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa paggamit ng social media para sa iba’t-ibang impormasyong kailangan malaman ng publiko.
Ayon sa AFP Civil Relations Service, ang paggamit nila ng social media ay para iparating sa publiko ang lahat ng serbisyo, accomplishments at magandang proyekto ng mga sundalo.
Ito ay kung saan sasailalim sa training sa social management mula sa iba’t ibang civil military operations unit ang mga mag-uupload ng mga impormasyong ito.
Ipinabatid ng AFP na mayroon silang official social media accounts na Armed Forces of the Philippines sa Facebook na mayroong mahigit 100,000 followers ngayon.
By Ralph Obina