Dapat ikabahala ng Partido Komunista ng Pilipinas – Bagong Hukbong Bayan ang idineklarang all-out war ng pamahalaan laban sa kanila.
Ayon kay AFP o Armed Forces of the Philippines public affairs office chief col. Edgard Arevalo, gagamitin ng militar ang lahat ng resources nito upang tuluyang masupil ang NPA o New People’s Army.
Sesentro aniya ang ikakasang operasyon sa Hilagang – Silangang bahagi ng Mindanao na tinukoy bilang lugar kung saan pinaka-aktibo ang komunistang grupo.
Batay sa pinakahuling datos ng AFP, tinatayang nasa 3,700 ang puwersa ng rebeldeng komunista sa buong bansa.
By Jaymark Dagala