Ginugunita ng Armed Forces of the Philippines o AFP ang sakripisyo ng mga sundalo at pulis na nag-alay ng buhay sa limang (5) buwang bakbakan sa Marawi City ngayong araw ng undas.
Sa inilabas na pahayag ng AFP, kanilang gagawing makabuluhan ang araw na ito para sa mga naulilang pamilya ng 158 mga sundalo at pitong (7) pulis na nasawi sa operasyon sa Marawi City.
Ayon naman kay AFP Spokesperson Major General Restituto Padilla, kabilang sa kanilang alalahanin ang mga kwento ng katapangan at kabayanihan ng mga sundalo para protektahan ang mga Pilipino, kanilang mahal sa buhay at mga kapwa sundalo.
Dagdag pa ni Padilla, hindi lamang mga sundalong nasawi sa pakikipagbakbakan sa Marawi City ang kanilang gugunitain kundi maging ang iba pang nagsakripisyo ng buhay sa ibang parte ng bansa.